P A A L A L A

ANO ANG REPUBLIC ACT NO. 7832?

Ang Republic Act 7832 ay may titulong Anti Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994 o batas laban sa pagnanakaw ng kuryente at pang- electrisidad na linya / materyales.

ANO ANG LAYUNIN NG R.A NO. 7832?

Upang parusahan ang sino mang gumagawa ng pandaraya sa paggamit ng kuryente at pagnanakaw sa anumang electric transmission lines at mga materyales na may kaugnayan sa elektrisidad. Sa ganitong paraan, magiging makatwiran ang system loss ng isang electric utility at tuluyang maalis o mapababa ang “pilferage losses” o nawawalang kuryente sanhi ng pandaraya.

ANO ANG MGA DAPAT PAGDUSAHAN/PAGBAYARAN NG MAHUHULIHAN NG PANDARAYA?

    Para sa electric meter tampering at paggamit ng anumang koneksyon na may kinalaman sa pagnanakaw ng kuryente:
  • 1. PARUSA - Prison Mayor o pagkabilanggo mula anim (6) na taon at isang (1) araw hanggang 12 taon.
  • 2. MULTA (FINE) - mula Sampung Libong Piso ( P10,000.00) hanggang Dalawangpung Libong Piso (P20,000.00). Alinman sa parusa o multa o pareho ay maaring ipataw ayon sa hatol ng hukuman.
  • 3. BALIK-KUWENTA (Differential Billing) - halagang ipapataw sa taong may kinalaman para sa kuryenteng illegal na ginagamit niya.
  • 4. REKARGO (Surcharge)
  • 5. Ang pribadong kumpanya ng elektrisidad o kooperatibang pang-elektrisidad ay bibigyan ng kapangyarihang itigil o putulin ang serbisyo ng kuryente ng isang konsumadores kung hindi ito makababayad sa mga itinakdang rekargo.